Pinasasalo ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa railway authorities ang mga empleyado ng LRT 1 na maaapektuhan ng lay off na ipatutupad ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).
Sinabi ni Tugade na hindi dapat mawalan ng trabaho ngayong may pandemya ang mga mare-retrench na kuwalipikadong empleyado na pinapakuha niya sa PNR, LRTA at MRT 3.
Una nang inihayag ng LRMC na 100 empleyado nila ang maaapektuhan ng lay off matapos mabawasan ng 90% ang kanilang ridership dahil sa COVID-19 pandemic.