Umabot na sa 200 baril at 150 pampasabog ang narerekober ng militar mula sa New People’s Army (NPA) simula noong Enero ng kasalukuyang taon.
Batay sa datos ng Armed Forces of the Philippines, nagmula sa Eastern Mindanao ang bulto ng armas na kanilang narekober dahil dito rin matatagpuan ang karamihan sa mga miyembro at taga-suporta ng N.P.A.
May nakalap ding impormasyon ang militar kung saan iniimbak ng mga rebeldeng komunista ang kanilang mga armas.
Sa nakalipas na dalawang buwan, nasa 2,000 taga-suporta at miyembro na ng N.P.A. ang sumuko sa pamahalan.
-Jonathan Andal