Nagpaabot ng pakikiramay ang iba’t ibang sektor sa pamahalaan at mga opisyal sa naulilang pamilya ni dating Congressman at National Security Adviser Roilo Golez.
Batay sa inilabas na official statement ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, kanilang kinikilala ang malaking kontribusyon ni Golez bilang dating Philippine Navy officer.
Inaalala rin ni Arevalo ang naging ambag ng opisyal sa military history, strategy, national security at geopolitics.
Nanghinayang naman si Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio sa pagpanaw ni Golez.
Ayon kay Carpio, nawalan ang bansa ng isa sa pinakamagaling at masipag na taga-depensa ng pinag-aagawang teritoryo.
Sinabi ni Carpio na bagama’t ipinaglalaban ni Golez ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay kaniya itong idinadaan sa mapayapang paraan at sa pamamagitan ng batas.
—-