Bumaba ng 7% ang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo ayon sa World Health Organization (WHO).
Batay sa datos, naitala ang mahigit 62,000 nasawi dahil sa COVID-19 nitong nakaraang linggo o katumbas ng mahigit 8,800 kada araw.
Pinakamalaki ang naging pagbaba sa bilang ng mga nasawi dulot ng COVID-19 sa North America, sinundan naman ito ng Asya, Africa at Europe.
Nakapagtala naman ng mataas na bilang ng mga nasawi sa Middle East gayundin sa Latin America kabilang na ang mga isla sa Caribbean.
Gayunman, nananatili sa mahigit 380,000 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitatala sa buong mundo kada araw nitong nakalipas na linggo.