Umaaray ngayon ang mga mangingisda na nasa Pag-Asa Island na sakop ng West Philippine Sea (WPS) dahil sa maliit na kanilang kinikita mula nang ipatupad ang COVID-19 restriction sa bansa.
Ayon sa mga mangingisda, bukod sa kakaunti ang kanilang nahuhuli, ay nagiging matumal pa ito dahilan ng kanilang mababang kita sa kada araw.
Sa pahayag ng isang mangingisda na kinilalang si Ronnie, limitado narin ang kanilang pangingisda sa nabanggit na lugar dahil ayon sa naging datos ng mga tauhan ng National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI), hindi ligtas o delikado para sa mga mangingisda na pumalaot dahil patuloy paring nakapuwesto ang mga chinese vessel sa bahagi ng dagat na may maraming isda.
Dahil dito, nagtyatyaga nalang ang mga mangingisdang pinoy sa kakaunti nilang nahuhuli para sa kanilang kaligtasan dahil sa takot nabaka mabombahan ng mga water canon ng mga Chinese Coast Guard.
Ayon pa sa mga mangingisda, malaki ang epekto nito sa kanilang pamumuhay at kabuhayan lalo na ngayong nasa gitna parin ng pandemiya ang bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero