Maaaring magdala ng sariling child car seat para sa kanilang anak ang mga magulang na sasakay ng taxi at transport network vehicle service (TNVS).
Ito ang rekomendasyon ni dating senador JV Ejercito, pangunahing may akda ng Republic Act 11229 o child safety in motor vehicles act, upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata habang nasa sasakyan.
Ayon kay Ejercito, na kung isasakay ang mga bata sa taxi o grab at mayroon namang child car seat o baby carrier na maaaring gamitin ay mas mabuting gamitin ito .
Gusto ko liwanagin na kung meron tayong child restraint system o baby carrier o car seat na available mas maganda kung gagamitin natin kung sasakay man tayo ng taxi, grab o anomang private vehicle. Optional po iyon, I am talking for the safety point of view, hindi ko po sinasabi na its a must, hindi po ‘yan kinakailangan specially sa public utility vehicle,” pahayag ni dating Senador JV Ejercito.
Batay sa isinasaad ng RA 11229, hindi pinapayagan ang pag-upo sa front seat o harapang upuan ng sasakyan ang mga batang may edad 12 taong gulang at pababa.
Kinakailangan ding ilagay sa restraint system o car seat ang mga batang hindi bababa sa 4.92 feet ang tangkad.