Tatlong kumpaniya na nakabase sa Quezon City ang sinampahan ng kasong tax evasion ng BIR o BUREAU of Internal Revenue sa Department of Justice.
Ito’y ang mga kumpaniyang Multi-Dimension Trading na pagmamay-ari ng isang James Maniego; Eco State Builders Incorporated at ang Medityre Corporation .
Ayon sa BIR, hindi nagbayad ng mahigit 5 Milyong Pisong buwis ang Multi-Dimension para sa taong 2006; 2.7 Milyong Piso naman ang hindi binayarang buwis ng Eco State nuong 2007 habang 2.6 na Milyong Piso naman ang hindi binayarang buwis ng Medityre Corporation nuong 2010.
Dahil dito, umakyat na sa 50 ang mga kumpaniyang sinampahan ng kaso ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan sa ilalim ng rate o run after tax evaders.