Papanagutin ng COMELEC ang mga kandidato sa 2022 National Elections na gagamit nang tinatawag na deep flakes sa kanilang kampanya.
Ito ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez ay dahil malinaw sa certificate of candidacy na pinirmahan ng mga kandidato ang hinggil sa deep fakes o mga video na dinoktor o pinagtagpi tagpi upang palabasin ang isang personalidad na may sinasabi o ginagawa taliwas sa totoong sinasabi o ginagawa nito.
Sinabi ni Jimenez na sa ngayon ay naungusan na ng Youtube ang Facebook dahil maraming nakukuha ritong content na ikinakalat din sa ibang social media.