Nagsumite na ng mga dokumento at ebidensya ang Office of Transportation Security (OTS) sa National Bureau of Investigation o NBI bilang bahagi ng binuong task force ng DOJ kaugnay sa ‘talaba’ o tanim bala o laglag modus sa NAIA.
Ayon kay NBI Anti-Organized Transnational Crime Division Chief Manuel Eduarte, pinuno ng Task Force Talaba, kabilang sa mga isinumiteng dokumento ng OTS ay ang kanilang mga reports mula sa pasaherong nakuhanan ng bala at kopya ng CCTV na isinailaim na sa pag-aaral ng task force.
Samantala, hihingan din ng NBI sa statement sa naturang usapin ang OWWA, POEA, PNP Aviation Security Group at iba pang nakatalaga sa paliparan.
Kumpiyansa naman ang opisyal na makatutugon sila sa 15 araw na deadline na ibinigay ng DOJ sa NBI-Seven Man Team na nanguna sa imbestigasyon.
By Meann Tanbio | Bert Mozo (Patrol 3)