Senyales ng mababang potassium o hypokalemia ang pananakit ng mga kalamnan, madaling pagkapagod at pagkahilo, mabilis na tibok ng puso, hirap sa paghinga, constipation, at kawalan ng gana sa pagkain.
Upang maiwasan o maagapan, siguraduhin ang regular na check-up upang malaman ang ating potassium levels, balanced diet na may kasamang pagkaing mayaman sa potassium, pag-iiwas sa labis na pag-inom ng alkohol at siguraduhing sapat ang iniinom na tubig araw-araw.
Kabilang sa mga maaaring kainin para maiwasan ang hypokalemia ay saging, abokado, spinach, white beans, at isda tulad ng salmon.
Makakatulong din ang mga inumin tulad ng coconut water, banana smoothie, spinach smoothie, at herbal tea na may ginger.
Tandaan, mahalaga ang pagpapakonsulta sa doktor at tamang pag-monitor ng potassium levels upang maiwasan ang anumang komplikasyon.