Nawala at ninakaw ang mga kable ng ilang CCTV camera sa footbridge ng Edsa-Guadalupe sa Makati City, na gamit sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, limang kabataan ang itinuturong nasa likod ng pagnanakaw at balak anyang ibenta ang mga kable.
Kaugnay nito, pinabulaanan naman ng ahensya na bunsod ng galit sa Ncap ang motibo sa krimen.
Nakikipag-ugnayan na ang MMDA sa pambansang pulisya para sa imbestigasyon, habang kaagad namang isinagawa ang pagkumpuni sa mga nasirang camera.