Apat na detainees sa argentina ang panandaliang nakalaya mula sa pagkakakulong. Hindi dahil sa pagpipyansa, kundi dahil isang pulis mismo ang nag-release sa kanila para utusang tumulong sa kaniyang wedding preparations.
Kung ano ang kapursahang ipinataw sa pulis, eto.
Parusa ang inabot ng isang Argentinian police matapos nitong palayain ang apat na bilanggo sa istasyon na kaniyang pinagtatrabahuhan, hindi dahil tapos na ang mga ito sa kanilang sentensya, kundi para pakilusin ang mga ito sa kaniyang wedding day.
Ayon sa mga local reports, ang mga pinalayang detainee ay nagsilbing crew sa kasal ng pulis.
Mayroong pinag-ihaw, nagluto, nag-ala waiter, at taga-linis.
Bukod pa riyan, malapit lang din ang venue na pinagganapan ng kasal sa kulungan ng mga prisoners na hindi malinaw ang dahilan ng pagkakakulong.
Matapos umekstra ng mga ito sa special day ng pulis ay bumalik ang mga ito sa likod ng mga rehas.
Ayon sa prosecutor na si Guillermo Sancho, maswerte ang nasabing pulis na walang nagtangkang tumakas sa mga pinalaya nitong detainees.
Gayunpaman, pinatawan na ng labinlimang buwan ng suspended sentence ang pulis dahil sa pang-aabuso nito sa kaniyang kapangyarihan.
Sa mga may makapangyarihang posisyon diyan, huwag abusado at gamitin nang tama ang pwesto. Dahil ang trono mo, hindi habangbuhay nasayo at kayang-kayang agawin ng kahit na sino.