Isinalang sa sorpresang drug test ang mga kawani ng airport police na nag-duty kagabi.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, ito ay bilang bahagi ng kanilang anti-drug campaign at upang matiyak ang pananatiling drug-free ng paliparan.
Sakaling mayroong magpositibo sa drug test, ang mga ito ay iimbestigahan at isasalang sa confirmatory test.
Nanganganib naman na mawala sa serbisyo ang mga magpopositibo sa confirmatory test.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)