Inirekomenda ng Metro Manila Council (MMC) na manatili muna sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR).
Ini anunsyo ito ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ngĀ MMC na binubuo ng mga alkalde sa NCR.
Ayon kay Olivarez, hindi pa kakayanin ang mag modified GCQ sa ngayon dahil sa dumarami pang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Gayunman, inirekomenda anya nila ang hybrid GCQ kung saan mas luluwagan ang mga quarantine rules sa mga negosyo at maging sa transportasyon.
Sa ngayon anya ay mas epektibo naman ang pagsasagawa ng localized lockdown sa bawat syudad.