Home NATIONAL NEWS Bentahan ng bente pesos kada kilo na bigas, suspendido muna ngayong araw, ayon sa pamahalaan

Menor de edad patay matapos makuryente sa Cavite

by DWIZ 882 June 16, 2022 0 comment
patay

Patay ang isang batang lalaki matapos makuryente sa isang live wire sa Barangay Molino 2, Bacoor City, Cavite.

 Kinilala ang biktima na si Jalani Asum, 10 taong gulang, isang grade 3 students sa nasabing lugar.

 Ayon kay Investigator-on-Case Corporal Fidel Querijero III, isang residente ang nakakita sa biktima na wala nang malay sa isang bakanteng lote.

Agad itong nilapitan ng hindi na pinangalanang residente at nakita na may gusot umano na live wire sa kamay ni Asum.

 Dinala pa ang biktima sa Southeast Asian Medical Center pero idineklara na itong dead on arrival ng sumuring doktor.

 Iniimbestigahan na ng mga otoridad kung mayroong dapat na managot sa pagkamatay ng biktima.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment