Karamihan sa mga Pilipino ang pabor na muling umanib ang Pilipinas sa International Criminal Court.
Ito ay batay sa survey na isinagawa ng OCTA Research kung saan 57% ng adult Filipinos ang pabor sa posibleng muling pagsali ng Pilipinas sa ICC, habang 37% naman ang hindi pabor, at anim na porsyento naman ang undecided.
Kaugnay nito, mahigit 60% ng mga respondents mula sa Metro Manila, Balance Luzon, at Visayas ang suportado ang pagbabalik ng pilipinas sa ICC;
Tulad ng inaasahan, naitala naman ang pinakamaraming oposisyon para sa nasabing hakbang sa Mindanao, balwarte ng mga Duterte.
Isinagawa ang survey nitong Abril 20 hanggang 24 sa 1,200 registered Filipino voters.