Idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Mayo 25, araw ng Lunes, na regular holiday sa buong bansa bilang pag obserba sa Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.
Nakasaad sa proklamasyon na ang pagkakataon ang nasabing holiday para makiisa sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr, batay na rin sa umiiral na community quarantine at panuntunan hinggil sa social distancing.
Ayon pa sa Malakaniyang, ang hakbangin ay bilang pagpapaabot sa religious at cultural significance ng Eid’l Fitr sa buong bansa.