Tiniyak ni Senador Sherwin Gatchalian na may mananagot at makukulong kaugnay ng mga ghost projects matapos ipatupad ang lifestyle check sa mga government contractors at opisyal na konektado sa flood control projects ng bansa.
Kasabay nito, binigyang-diin ng senador ang posibilidad na kumuha ng independent technical experts para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa 270-bilyong-pisong halaga ng flood control projects.
Isinusulong din ng senador ang panukalang pagbawal sa mga kumpanyang dating pag-aari ng mga politiko na humawak ng mga proyektong imprastraktura ng gobyerno.
Kadalasan aniya, nagdi-divest ang mga politiko sa kanilang negosyo ngunit nananatiling pinapatakbo ng kanilang mga anak o kaanak, dahilan upang magpatuloy pa rin ang impluwensya sa pagkuha ng mga proyekto.
—Sa panulat ni Jasper Barleta