Nananatiling problema sa maraming Pilipino ang mataas na presyo ng pagkain.
Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority, patuloy ang pagtaas ng presyo ng karne; isda; seafoods; dairy products at itlog.
Ito anila ang dahilan kung bakit nananatili sa 0.7% ang food inflation nuong Mayo.
Dahil mataas na na bilihin, umaasa ang publiko na maipatutupad ang umento sa sahod ng mga manggagawa.
Gayunman, binigyan-diin ng ilan na malaki rin ang posibilidad na tumaas ang mga bilihin, oras maisabatas ang 200 pesos wage hike. —sa panulat ni Kat Gonzales




