Mas mabilis nang makapagpapadala ng pera sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Hong Kong.
Ito’y dahil sa partnership ng GCash at TNG Wallet.
Gamit ang TNG Wallet app sa mobile device, maise-send na agad ng mga OFWs ang remittance sa GCash wallet ng kanilang mga mahal sa buhay.
Sa loob lamang ng ilang segundo, matatanggap na agad ng mga recipients ang pinadalang halaga.
“Kasama ang TNG Wallet, masaya naming ipinakikilala ang digital remittance solution na ito para sa mga OFWs sa Hong Kong. Iisa ang nais namin— ang magbigay ng ligtas at mabilis na digital financial solution para sa aming mga customer. Nagsusumikap ang GCash na gawing mas madali at maayos ang buhay ng ating mga OFWs nasaan man sila sa mundo,” ayon kay GCash President at CEO Martha Sazon.
Pahayag naman ni Jules Abalos, GCash AVP para sa International Remittance: “Patuloy ang GCash sa pagdaragdag ng mga bagong remittance partners gaya ng TNG Wallet para mapanatiling ligtas ang pinaghirapang salapi ng mga OFW at mabilis din itong maipadala sa kanilang pamilya.”
Maaari ring magamit ng mga OFWs ang iba pang serbisyo sa loob ng GCash app gaya ng Pay Bills feature nito, kung saan makakapagbayad sila ng kanilang SSS contributions.
Maaari rin nilang ma-access ang iba’t ibang financial services gaya ng abot-kayang insurance mula sa GInsure, mga investments gamit ang GInvest, at online banking sa tulong ng GSave.
Bukod dito, maaaring i-download nang libre ng mga OFWs ang GCash app sa Google Play o app store.