Hiniling ng Pilipinas ang mas mataas na credit rating sa mga international rating agencies tulad ng Moody’s Investor Service, Standard and Poor, at Fitch Ratings.
Maaalalang binigyan ang Pilipinas ng Sovereign Credit Rating na BAA3, BBB Stable, at BBB kung saan dalawang marka lang ang lamang ng mga unang nabanggit at isang antas lang ang taas ng pangatlo sa minimum investment grade.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, malakas ang performance ng ating ekonomiya sa mga nakalipas na taon kaya’t nararapat lang ang mas magandang credit rating.
Idinagdag, maraming economic managers na nagrereklamo hinggil sa pagmamaliit ng paglago ng ating ekonomiya at ang potensyal nitong umakyat o kahit ma-sustain ang ganitong klaseng performance sa medium term period.
Inihayag din ng Central Bank kung anong pakinabang maidudulot sa mas mataas na credit rating, mas mababa aniya ang ibibigay na borrowing rate ng mga investors kapag humiram ng pera ang gobyerno at bababa rin ang interest rates para sa mga consumers at businesses na uutang sa mga bangko.
By Kevyn Reyes