Asahan na ang isa pang laban ni Senador Manny Pacquiao sa ilalim ng kanyang kontrata sa Top Rank Promotions bago tuluyang maging free agent.
Ayon ito kay sports analyst Quinito Henson matapos makausap si Coach Freddie Roach bago pa ang laban ni Pacman kay Jessie Vargas na napagtagumpayan nito kahapon.
Sinabi ni Henson na naniniwala siyang kayang-kaya pa ng Pambansang Kamao na makipagbakbakan sa boxing ring bagamat bahagya itong bumagal.
Bahagi ng pahayag ni Quinito Henson, Sports Analyst
Halos 90 porsyento nang siguradong si Juan Manuel Marquez ang makakalaban ni Senador Manny Pacquiao sa muling pagtuntong sa boxing ring sa unang bahagi ng 2017.
Ayon ito kay Henson subalit si Floyd Mayweather Jr. pa rin aniya ang magiging huling laban ng Pambansang Kamao bago ito tuluyang magretiro.
Bahagi ng pahayag ni Quinito Henson, Sports Analyst
Samantala, satisfied naman si sports analyst Dennis Principe sa naging performance ni Senador Manny Pacquiao sa laban nito kontra Jessie Vargas kahapon.
Ito ayon kay principe ay kahit pa hindi na-knock out ni Pacman si Vargas.
Bahagi ng pahayag ni Dennis Principe, Sports Analyst
Gayunman, sinabi ni Principe na naniniwala siyang kayang i-knock out ni Pacman si Vargas bagamat tila mayroong itinatago ang fighting senator.
Bahagi ng pahayag ni Dennis Principe, Sports Analyst
By Judith Larino | Karambola | Ratsada Balita