Nagsagawa ng clearing and cleaning operation ang mga tauhan ng iba’t-ibang departamento ng Marikina City government matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Sinimulang linisin ng lokal na pamahalaan, ang mga lugar na naapektuhan ng pagbaha partikular na ang jogging lane sa Marikina river park.
Pinaghahakot narin ang mga naiwang kalat ni bagyong Paeng kasabay ng pag-alis ng mga putik sa mga kalsada.
Bukod pa dito, nagtulong tulong din ang Marikina lgus sa paglilinis ng mga eskwelahan na ginamit bilang evacuation centers ng mga evacuee.
Ayon sa pamunuan ng Marikina City Hall, isinagawa ang naturang hakbang alinsunod narin sa direktiba ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na tiyaking maibalik sa normal ang maayos na pamumuhay ng mga Marikenyos sa lalong madaling panahon.