Nagpadala ng panibagong monitoring team ang Malaysia sa Mindanao upang bantayan ang pagpapatupad ng ceasefire agreement sa pagitan ng pamahalaan at MILF o Moro Islamic Liberation Front.
Papalitan ng 11th International Monitoring Team o IMT-AA ang IMT-10 na nagtapos na ang isang taong termino nitong nakaraang linggo.
Ang monitoring team ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Brunei at Indonesia at civilian experts mula sa Norway, Japan at European Union.
Taong 2003 pa ay tumutulong na ang Malaysia sa pagpapatupad ng ceasefire agreement na nilagdaan pa noong 1997.
By Len Aguirre