Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulan ang mas malalimang imbestigasyon sa sinasabing pagkamatay ng mga sabungero na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang mga katawan.
Ayon kay Presidential Communications Office Usec. Atty. Claire Castro, nais ng Pangulo na matukoy kung sino ang tunay na sangkot sa insidente upang mapanagot at mabigyan ng hustisya ang mga biktima at kanilang mga pamilya.
Gayunman, iginiit ni Usec. Castro na mas mainam na hintayin muna ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice na patuloy ngayong nangangalap ng karagdagang ebidensiya at mga testigo na makatutulong sa paglutas ng kaso.
Nanindigan din ang Palace official na naniniwala ang Malacañang sa integridad ng korte at na ang kasong ito ay mareresolba nang naayon sa batas o rule of law.