Tiniyak ng Malacañang na magiging maayos at tapat ang pambansang budget, at hindi na mauulit ang mga isyu ng katiwalian sa 2025 National Budget.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, makaaasa ang publiko na magiging maayos ang 2026 budget dahil hindi aniya papayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapasukan ito ng mga maanomalyang proyekto.
Binigyang-diin din ni Usec. Castro na ang nais ng Pangulo ay isang budget na tama ang pondo at maipapamahagi sa tamang programa para sa kapakinabangan at kinabukasan ng sambayanan.
Kung sakaling muling magkaroon ng maanomalyang probisyon sa 2026 budget, tiniyak ni Atty. Castro na nakahanda ang Punong Ehekutibo na i-veto ito.