Welcome sa palasyo ang drive-thru vaccination project ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, makakatulong ang nasabing inisyatibo upang mailapit sa publiko ang mga bakuna kontra COVID-19.
Aniya, sinusuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang inisyatibo na makakatulong upang mabakunahan ang mas maraming indibidwal sa bansa.
Sa kabila nito, sinabi ni Roque na bago pa man ito gawin ni Robredo ay nauna na ang Imus, Cavite LGU.
Paliwanag ng kalihim, ang drive-thru vaccination ng Imus, Cavite LGU ay suportado ng Pangulo dahil binili ng pamahalaan ang mga bakunang ginamit dito.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico