Naglagay ang Malabon City Health Government ng medical stations sa San Bartolome Cenetery, Lourdes Cemetery, Everlasting Peace Cemetery at Tugatog cemetery.
Ito ay bilang bahagi ng ksanilang hakbang upang mapanatiling ligtas ang bawat isa laban sa banta ng COVID-19.
Ngunit paalala ng lokal na pamahalaan ng Malabon, sarado pa ang Tugatog Cemetery para sa publiko.
Kaugnay nito, naglagay din ang red cross Malabon Chapter ng mga medical station at ambulansya sa Lourdes Cemetery habang inihanda naman ng Malabon DRRMO ang limang ambulansya sakaling magkaroon ng emerhensya.
Paalala naman ng malabon lgu, sundin ang itinakdang oras at petsa ng pagpunta sa mga sementeryo mula ngayong araw hanggang Nobyembre 2. - sa panunulat ni Hannah Oledan