Umabot na sa 286,473,613.61 pesos ang naipamahaging assistance ng Department of Social Welfare and Development, LGUs, NGOs at iba pang partners nito sa mga biktima ng bagyong Paeng.
Sa ulat mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nananatili pa rin sa 168 evacuation centers ang 8,086 habang 131,690 pamilya naman ang nanunuluyan sa ibang mga lugar.
Ang mga apektadong pamilya ay mula sa Regions I, II, III, CAR, CALABARZON, MIMAROP, NCR, Regions V hanggang XII, CARAGA at BARMM.
Nasira ng bagyong Paeng ang ilang mga kabahayan sa nabing mga lugar, kung saan kabilang dito ang 5,341 totally damaged at 48,142 partially damaged houses.