Bumaba ang naitalang kaso ng dengue sa bansa, mula Marso 16 hanggang 29.
Ayon sa Department of Health, naitala ang 9,289 cases sa nabanggit na panahon, na mas mababa ng 23% kumpara sa mahigit 12,000 kaso noong Marso 2 hanggang 15.
Maliban dito, bumulusok din sa 0.36% ang case fatality rate o bilang ng mga namamatay sa nasabing sakit.
Patuloy naman ang paalala ng kagawaran na agad na magpakonsulta sakaling makaranas ng sintomas ng dengue.