Umabot na sa 756, 083 poll workers ang itinalaga ng Department of Education (DepEd) upang i-monitor ang pagsasagawa ng halalan sa Lunes, Mayo a-9.
Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, 647, 812 ito ng kabuuang bilang ng kanilang personnel o 90% ng kanilang empleyado.
Sa nasabing bilang ng DepEd personnel, 319, 317 ang Electoral Boards (EB); 200, 627 ang EB support staff; 38, 989 ang DepEd Supervisor Officials (DESO); 87, 162 ang DESO support staff; at 1, 717 ang Board of Canvassers.
Ang Commission on Elections (COMELEC) ang kumakatawan sa poll workers na ito.
Magsisimula ang operation ng mga poll workers sa iba’t ibang rehiyon at division sa bansa sa linggo, Mayo a-8 hanggang sa Martes, Mayo a-10.