Ikinaalarma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang lumabas na report na higit 7,000 child laborers ang naitala ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay CBCP episcopal commission on catechism and catholic education chairman Bishop Roberto Mallari, kahirapan ang dahilan kung bakit napipilitang magtrabaho ang mga menor de edad.
Aniya, isang malaking hamon ngayon ang sitwasyon ng mga pamilyang hindi naibibigay ang mga pangunahing kailangan ng mga kabataan.
Magugunitang lumabas sa pag-aaral ng labor department na nasa 7,301 kabataan na may edad apat hanggang 17 taong gulang mula sa Metro Manila ang maituturong na child laborer.