Umabot sa 26.37 na truck o katumbas ng halos pitundaan toneladang basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority mula sa isinagawang cleanup operations noong July 21 at 22 sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region bunsod ng pananalasa ng bagyong Crising at habagat.
Batay sa datos ng M.M.D.A., nakahakot sila ng 526.8 toneladang basura sa pumping stations sa Pasay City habang 76.92 tolenadang basura naman mula sa paglilinis sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Magugunitang bahagi ng patuloy na disaster response at clearing operations ang malawakang paglilinis upang mapanatili ang kalinisan, kaligtasan, at kaayusan sa mga apektadong lugar sa Maynila.