Mayorya ng mga Pilipino ang tutol sa ginawang pag-aresto at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Mayo 6-9, 58% ng mga botante sa bansa ang nagsabing hindi sila sang-ayon sa pag-aresto sa dating presidente.
26% naman ang nagsabing sang-ayon sila habang 16%ang hindi masabi kung sang-ayon sila o hindi.
Matatandaang noong Marso nang arestuhin ang dating Pangulo, na kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC para harapin ang kaso ng crimes against humanity kaugnay ng war on drugs campaign ng kanyang administrasyon.