Nasa 30 Public School Teachers sa Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao ang nag-withdraw bilang mga election registration board members para sa 2025 midterm elections.
Ito ay kinumpirma mismo ni BARMM Election Director Ray Sumalipao, kung saan napag-alamang boluntaryong umatras ang mga nasabing Guro dahil sa sinasabing personal na relasyon ng mga ito sa ilang kandidato.
Sa kabila nito, aalalay naman ang ilang opisyal ng Philippine National Police upang punan ang puwesto ng mga guro na umatras sa serbisyo.
Samantala, ibinahagi rin ni Election Director Sumalipao na nasa 18 Guro naman ang nag-withdraw bilang Electoral Board Members sa Lanao Del Sur.