Pumalo na sa mahigit isanlibo at tatlongdaang malisyosong post at fake news sa ilang social media sites ang na-monitor ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group mula Enero a-uno hanggang Agosto a-trese ng taong ito.
Ayon kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, ipinanawagan na nila sa Meta na burahin ang mga naturang account na nagpakalat ng mga malisyoso at maling balita.
Bukod dito, sinabi ni Gen. Torre na pinasampahan na niya ng reklamo ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng fake news na aniya’y mga kritiko ng pamahalaan.
Samantala, batay naman sa datos ng PNP-ACG, mahigit isandaang posts na sa Meta ang kanilang na-take down, habang anim na kaso na ang kanilang naisampa.