Umabot na sa mahigit 1.6 million ang mga estudyanteng nakinabang sa libreng sakay program ng pamahalaan sa Light-Rail Transit (LRT) 2 mula August 22 hanggang November 5.
Sa datos ng Department of Transportation (DOTr), pumalo sa 1,623,473 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng nabigyan ng serbisyo sa loob lamang ng 61 araw na implementasyon ng naturang programa.
Nabatid na ang Recto Station, Legarda, Araneta Center-Cubao, Marikina-Pasig at Antipolo Station ang may pinakamaraming bilang ng mga estudyanteng gumagamit ng LRT-2 kada araw.
Layunin ng naturang programa na makatulong sa mga estudyanteng naapektuhan ang kanilang pag-aaral bunsod ng COVID-19 pandemic; pagtaas ng presyo ng langis, maging ang mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.