Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Cortes, lalawigan ng Surigao Del Sur dakong ala – 7:48 kaninang umaga
Batay sa datos mula sa PHIVOLCS, natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 35 kilometro Hilagang Silangan ng nasabing bayan
Tectonic ang pinagmulan ng nasabing pagyanig at mayruon itong lalim na 13 kilometro mula sa Episentro
Gayunman, walang inilabas na datos ang PHIVOLCS hinggil sa intensity ng lindol at wala rin namang inaasahang Aftershocks o pinsala kaugnay nito