Sumalang na sa inquest proceedings ang magkapatid na Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog, Jr.
Kaugnay ito sa reklamong illegal possession of firearms and explosives at possession of prohibited drugs.
Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng magkapatid na Parojinog na aalamin ng panel of prosecutors kung may probable cause ang reklamo at sa sandaling magkaruon ng resolusyon saka pa lamang aniya sila gagawa ng legal na hakbang.
Dahil dito mananatili muna sa Custodial Center ng PNP ang magkapatid na Parojinog habang hinihintay ang resolusyon ng panel of prosecutors.
By Judith Larino / Report and Photo via Jonathan Andal (Patrol 31)