Nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagpapalipad ng eroplano malapit sa bulkang Bulusan at Kanlaon.
Sa inilabas na Notice to Airmen o NOTAM ng CAAP, pinapayuhan ang mga airlines na iwasan ng kanilang mga piloto ang pagbiyahe malapit sa summit ng dalawang bulkan dahil sa posibleng phreatic eruption na magreresulta sa pagbuga ng abo na mapanganib sa mga eroplano.
Base sa report ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), anim na volcanic earthquakes ang naitala sa Kanlaon volcano sa nakalipas na 24-oras, habang dalawa naman sa bulkang Bulusan
Kasalukuyang nasa alert level 1 ang dalawang bulkan.
Report from: Raoul Esperas (Patrol 45)