Iginiit ni Blue Ribbon Committee Chairman Senate President Pro Tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson na mistulang ‘oportunista’ ang mag-asawang Discaya matapos nitong tumestigo at pangalanan ang mga umano’y sangkot sa maanomalyang flood control project.
Ayon sa senador, napuna niyang walang isiniwalat ang mag-asawa na kasabwat bago ang taong 2022 at panay pumirma sa impeachment ni Vice President Sara Duterte ang mga idinawit sa flood control anomalies.
Para kay Sen. Lacson, kailangan pang pag-aralan kung nararapat bang ituring na testigo at protektahan ng gobyerno ang mag-asawang Discaya.
Sinabi anya ni Sec. Remulla kay Senate President Tito Sotto na hindi palulusutin ang n rekomendasyon para sa mga Discaya kung hindi gagawin ang isang kondisyon na restitution o pagsasauli ng mga nakuhang pera ng bayan.
Ayon kay Sen. Lacson, ito ang batayan malamang na dahilan bakit hindi nilagdaan ni Senate President Tito Sotto the Third ang sulat ni Sen. Marcoleta para kay Justice Sec. Remulla na nag-endorso sa mga Discaya para sa witness protection program.




