Pinuna ni Vice President Sara Duterte ang sinasabing mabagal na aksyon ng pamahalaan para sa mga Pilipinong naiipit sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Ayon kay V.P. Sara, tila mas prayoridad pa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang manira.
Sinabi ng Bise Presidente na sa halip na pabilisin ang pagtulong sa mga Pilipinong nahihirapan dahil sa bakbakan sa Iran at Israel ay inuuna pa nito ang paninira o pamumulitika at hindi ang mga mamamayan.
Aminado rin si V.P. Sara na ikinalungkot niya ang plano ng pamahalaan na i-byahe ang mga witness sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.