Nag-deploy ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng mga tauhan sa iba’t ibang transport terminal sa Metro Manila upang alalayan ang mga pasaherong babiyahe ngayong bisperas ng Undas.
Kabilang sa mga lugar na binabantayan ng ahensya ang Valenzuela Gateway Complex, Market Market, Ayala Cloverleaf, Arca South/FTI, Araneta Center, Trinoma/SM North, at Megamall.
Layunin ng Oplan Undas 2025 na matiyak na lahat ng pampublikong sasakyan ay ligtas, maayos ang kondisyon, at sumusunod sa mga patakaran ng LTFRB habang inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa LTFRB-NCR sa mga numerong 8929-6789, 8926-6346, o sa Facebook/Messenger page ng ahensya.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa patnubay ni DOTr Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, nag-deploy si LTFRB-NCR Regional Director Atty. Zona Russet M. Tamayo ng mga tauhan sa iba’t ibang transport terminal sa Metro Manila para magsagawa ng inspeksyon sa mga pampasaherong sasakyan (PUVs) at tumulong sa mga biyahero ngayong Undas.
Kabilang sa mga lugar na binabantayan ang Valenzuela Gateway Complex, Market Market, Ayala Cloverleaf, Arca South/FTI, Araneta Center, Trinoma/SM North, at Megamall.
Layunin ng Oplan Undas 2025 na matiyak na lahat ng pampublikong sasakyan ay ligtas, maayos ang kondisyon, at sumusunod sa mga patakaran ng LTFRB habang inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero.





