Ipinagpaliban ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling na itaas ang pamasahe sa pampublikong sasakyan partikular na sa mga jeep.
Ayon sa LTFRB Executive Director Kristina Cassion, may ilang mga petitioner ang nagsumite ng hindi kumpleto ang kanilang mga dokumento para sa pagdinig.
Dahil dito, kailangan pang magkaroong ng isa pang pagdinig kung saan, iniurong ang pinal na pagdinig sa Marso a-22.
Matatandaang humihirit ang ilang mga jeepney operators at drivers na itaas sa P12 ang minimum fare sa pamasahe para makasabay sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bunsod ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine. —sa panulat ni Angelica Doctolero