Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao na pinangalanang Domeng.
Huling namataan ang bagyong Domeng sa layong 675 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 60 kph.
Gumagalaw ang bagyo sa direksyong pa-hilaga hilagang kanluran sa bilis na 14 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa bahagi ng Eastern and Central Visayas, Caraga at Davao Regions.
Hindi naman inaasahang tatama sa lupa ang bagyo.
Samantala, isa pang LPA ang binabantayan ngayon sa loob ng PAR na huling namataan sa layong 1,193 kilometro Silangan ng Luzon.
—-