Sugatan ang isang senior citizen na lalaki matapos na tagain ng kanyang kapitbahay sa Alcala, Pangasinan.
Ayon sa awtoridad, inakusahan ang biktima ng pagnanakaw ng manok na pag-aari ng suspek.
Dahil sa galit, sinugod ng itak ng suspekang biktima at bigla nitong tinaga ang 83-anyos na matanda.
Kung saan, nagtamo ang biktima ng hiwa sa kanyang kaliwang balikat.
Inaresto naman ng mga rumespondeng personnel ng mga pulis ang suspek.