Sinuspinde ng LTO Land Transportation Office ang lisensya ng driver ng sports car na nakikita sa viral video na gumagamit ng celfon habang nagmamaneho sa isang highway.
Ayon pa kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza the Second, isinailalim na rin sa alarma ang nasabing sports car na isang Porsche.
Sinabi ni Asec Mendoza na gumagawa ng social media content ang driver ng sports car nang makunan ang nasabing video na paglabag aniya sa road safety rules.
Ipinabatid naman ni LTO Intelligence and Investigation Division Chief Renante Melitante na kabilang sa paglabag ng driver ay reckless driving, paglabag sa Anti Distracted Driving Act at improper person to operate a motor vehicle.
Ipinatawag na ng LTO para magpaliwanag sa insidente ang may-ari ng sasakyan at ang driver na ang lisensya ay maaaring bawiin bilang maximum penalty para sa ikatlong violation.