Mas suportado ni Senator Sherwin Gatchalian kung limitado ang pagdaraos ng DepEd ng face-to-face classes.
Ayon kay Gatchalian, chairman ng Committee on Basic Education, sa kanyang konsepto, mas ligtas para sa mga mag-aaral ang mga guro ang limited localized face-to-face classes.
Ibig sabihin anya, magdaraos ng mga small workshop o small group ng mga estudyante kasama ang kanilang guro.
Pwede itong gawin hindi lamang sa mga silid-aralan kundi sa mga barangay hall, covered courts at iba pang lugar na hindi kulob at maganda ang ventilation.
Sabi ni Gatchalian, pinaka-importante anya na ang papayagan sa limited localized face-to-face classes ay sa mga lugar na mababa o halos walang kaso ng COVID-19.
Paliwanag pa ni Gatchalian, nauunawaan niya ang posisyon ng DepEd na kailangan ang interaction ng mga estudyante pero hindi dapat madaliin kung walang kakayahan ang mga lokal na pamahalaan.