Magkakaroon ng libreng-sakay para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside of Residence (APOR) sa MRT 3, LRT 2 at PNR simula 3 hanggang 20 ng Agosto.
Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade, kailangan lamang ipakita ng apors ang kanilang vaccination cards na magpapatunay na bakunado na sila kahit first dose lang ng COVID-19 vaccine.
Bukod dito, hinimok ni tugade ang Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX na ipagpaliban muna ang paniningil ng terminal fee sa mga bus.
Aniya, napagkasunduan ito ng buong kagawaran ng transportasyon upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.
Samantala, sinabi rin ng kalihim na magbibigay ng libreng kape, tubig at snacks sa mga bakunadong pasahero na maghihintay ng kanilang biyahe sa mga paliparan sa pantalan.