Ika nga nila, ang lahat ng sobra, masama. Katulad na lang ng mga bisyo at regular na pagkonsumo ng alak o sigarilyo. Napatunayan yan ng isang lalaki mula sa Thailand na binawian ng buhay matapos uminom ng alak sa loob ng isang buwan.
Kung bakit nagpakalango sa alak ang lalaki, eto.
Kauuwi lang mula sa eskwelahan ng 16-anyos na lalaki mula sa Ban Chang District sa Thailand nang bumungad sa kaniya ang kaniyang 44-anyos na ama na si Thaweesak Namwongsa na nagse-seizure sa kama.
Para maisalba ang kaniyang ama, humingi ng tulong ang hindi pinangalanang menor de edad sa Siam Rayong Foundation, pero nang dumating ang rescuers, binawian na ng buhay ang kaniyang tatay.
Bukod sa wala ng buhay na katawan ng lalaki, tumambad din sa rescuers ang mahigit isandaang basyo ng beer na maayos na nakasalansan sa paligid ng kama kung nasaan ang bangkay.
Ayon sa anak ng nasawi, pagkauwi sa eskwelahan ay ipinagluluto niya ito ng pagkain pero ang kaniyang tatay, tinatanggihan ito at tanging alak lang ang kinokonsumo sa loob na ng isang buwan.
Sa kasamaang palad, hinihinalang ginawang coping mechanism ng lalaki ang pag-inom matapos nitong dumaan sa divorce.
Sa mga broken hearted diyan, malaki ang mundo. Kung sawi ka sa pag-ibig ngayon, ibig sabihin hindi siya ang para sayo. Magpasalamat ka at hindi ka napunta sa maling tao.